"ISKWATER"

 SANDIGAN, PRINCESS THEA G.

BSCRIM-2B

SOSLIT


                             "ISKWATER"

                      Ni Luis G. Asuncion

1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?


= Ito ay tumutukoy sa estado ng buhay na mayroon ang mga taong naninirahan sa iskwater.

2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa

= Ang paksang di tuwirang tinalakay sa tekso ay patungkol sa "Hindi sya nagpapaligaw sa bahay nila dahil ang sabi’y nahihiya siya sa lugar na kinatitirikan ng malaki nilang bahay"


3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag

= Layunin nitong masagutan ang kanyang katanungang bakit mayroong mga taong mayayaman ang nakatira sa kanilang lugar dahil sa kanyang pagkakaalam ang lugar na iskwater ay para lamang sa mga katulad nilang mahihirap.


4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?

= "Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan." Dahil ang ideya na ito ay nagpapakita lamang na kahit mahirap ang isang tao mayroon pa rin silang disiplina sa kanilang sarili at ito ang kanilang ginamit upang hindi na kailangang idaan sa dahas ang isang bagay kung kaya lang naman itong gawin sa matiwasay na paraan na pakikipag usap na walang sino man ang masasaktan.


Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

= Ang hindi ko sinang-ayunan sa sanaysay na ito ay ang pangako ng gobyerno na kapag nag demolis ay may nakahandang malilipatang lupa sa kadahilanang pinaasa nila ang mga taong mahihirap sa disisyong walang katotohanan kaya hanggang ngayon marami pa rin ang mga taong naninirahan sa iskwater at patuloy ang kanilang paghihintay sa pangakong hindi pa naipatupad ng gobyerno para sa kanila.

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.

= Ang buhay na mayroon sila ay magkasing katulad sa buhay na mayroon kami, hindi man sa iskwater nakatira pero ang sitwasyon sa kahirapan at hindi pantay na pag trato sa istado ng buhay ang natatanging problema, kaya ito'y pinipilit kong malagpasan kahit na mayroong hadlang upang makatakas sa hirap ng nakaraan.


6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.

= Isa ako sa mapalad na nakabasa ng sanaysay na ito sapagkat hindi lang pananaw ang nabago ngunit pati na rin ang aking espektasyon sa lugar na iskwater.
Matapos kong basahin ang sanaysay, dito nalaman ko ang rason kung bakit nakikipaglaban ang mga mahihirap na huwag silang paalisin sa kanilang tinitirahan dahil sa wala silang malilipatan sapagkat hanggang sa ngayon patuloy parin ang kanilang paghihintay sa ipinangakong lupa ng pamahalaan at sa pagkakaalam ko noon mahihirap lamang ang nakatira sa iskwater ngunit noong nabasa ko ang sanaysay na ito dito ko nalaman na hindi lang mahihirap ang nakatira ngunit nakikipagsiksikan pa rin dito kahit ang mga taong mayayaman.

7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

= Maiiugnay ito sa lipunan lalong-lalo na sa kasalukuyan dahil ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay kung saan maraming tao ang walang sariling lupa, walang kakayahang makapaghanap buhay dahil sa hirap ng sitwasyong kanilang pinagdadaanan at hindi patas na pakikitungo ng ilang mayayaman sa mga mahihirap na hanggang ngayon ay patuloy pa ring problema sa ating lipunan. Kung naipatupad lamang ng pamahalaan ang kanilang mga pangako unti unti na sanang na pagtagumpayan at nakaahon sa hirap ang mga mahihirap, lalo na sa panahon ngayon hindi ko maitatanggi na ikumpara ang aking sarili sa ibang kabataan na mayroong disenting buhay dahil kami'y nasa parehong lugar at panahon ngunit bakit sila lang yung nakakaahon at kami ay pilit na nagsusumikap wag lang malugmok sa kahirapan. 



MUNGKAHING GAWAIN: 









Comments