Posts

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

  SANDIGAN, PRINCESS THEA G. BSCRIM - 2B      "Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" ni Rolando A. Bernales 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? - Ang pamagat ng tulang ito ay nagpapakita na ang magiging karanasan ng mga bakla ay mahirap at ito ay kanilang magiging pasan habangbuhay. Alam nating walang perpektong tao sa mundo kaya hindi maitatanggi na maraming tao ang hindi sang ayon at hindi tanggap sa pagiging ganap na isang bakla ng isang tao kung kaya ito ay kanilang hinuhusgahan at tinatanggalan ng karapatang mamuhay ng malaya, sa ganitong paraan ang mga bakla ay makaramdam ng pagdurusa dahil sa bawat araw at oras na lumilipas ito ay kanilang nararanasan. 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? - Ang tinutukoy sa iba't ibang mukha ay ang mga taong hindi tanggap ang totoong ikaw, plastik, at walang ibang ginawa kundi manghusga o husgahan ang pagkatao ng isang t...

BABAE KA

Image
SANDIGAN, PRINCESS THEA G. BSCRIM-2B SOSLIT 11/17/21 PAGTATAYA: 1.) Paano inilarawan ang babae sa awit? - Inilarawan sa awit na ito kung gaano kahina ang estado ng buhay ng mga kababaihan sa nakaraang panahon na siya namang kabaliktaran sa panahon ngayon sapagkat ang mga kababaihan ay mayroon ng karapatang ipaglaban ang kanyang sarili at mamuhay ng may kalayaan. 2.) Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag - Hindi ako sang-ayon, dahil ang mga babae ay hindi basta babae lang. Ang totoo sa panahong ito ang mga babae ang may mataas na antas ng pag iisip na nakakatulong upang mamuhay tayo ng payapa at malayo sa kapahamakan. Sapagkat ang pagiging isang babae ay hindi nakakababa ng pagkatao ito ay isang gantimpala na siyang dadalhin namin hanggang sa pagtanda kaya mayroon kaming kakayahang magsilbi sa bayan at hindi lamang sa tahahan, kaya sana'y huwag maliitin ang babae dahil kaya nitong gawin kung ano kaya ng mga ...

Sanayan lang ang pagpatay

 SANDIGAN, PRINCESS THEA G. BSCRIM-2B SOSLIT BLOG#3              "SANAYAN LANG ANG PAGPATAY" 1. Ang personang nagsasalita o nag sasalaysay sa kwentong ito ay ang may-akda na si Fr. Albert Alejo, SJ. Ang sinasabi nya sa tulang ito ay kung paano pumaslang ng butiki (na mahahalintulad sa tao) ng walang kahirap-hirap. At sa kwentong ito ipinapabatid din saatin kung gaano ka sanay pumaslang ang mamamatay tao na para bang wala silang pakialam, importante lang sa kanila ay ang pumatay para sa malalim nilang dahilan. 2. Ang hayup na pinapaslang sa tula ay "Butiki", dahil ang pagpaslang sa kanila ay katulad ng pagpaslang sa mga taong mahina, takot, at walang laban sa mga taong may matataas na posisyon. 3. Ipinapahayag ng huling taludtud na ito na habang pumapatay ang isang kriminal, ang mga tao sa piligid nito ay nonood at walang ginagawa dahil sa panahong ito mas gugustuhin na lamang ng mga tao na kumuha ng bidyu kaysa pigilan o itab...

"ISKWATER"

Image
 SANDIGAN, PRINCESS THEA G. BSCRIM-2B SOSLIT                              "ISKWATER"                       Ni Luis G. Asuncion 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? = Ito ay tumutukoy sa estado ng buhay na mayroon ang mga taong naninirahan sa iskwater. 2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa = Ang paksang di tuwirang tinalakay sa tekso ay patungkol sa "Hindi sya nagpapaligaw sa bahay nila dahil ang sabi’y nahihiya siya sa lugar na kinatitirikan ng malaki nilang bahay" 3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag = Layunin nitong masagutan ang kanyang katanungang bakit mayroong mga taong mayayaman ang nakatira sa kanilang lugar dahil sa kanyang pagkakaalam ang lugar na iskwater ay para lamang sa mga katulad nilang mahihirap. 4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanay...

Princess Thea Sandigan

Sandigan, Princess Thea G. Bscrim-2B                       "ISANG DIPANG LANGIT"                          Amado V. Hernandez               Ang tulang "ISANG DIPANG LANGIT" ni Amado V. Hernandez ay isang uri ng tulang sanaysay dahil mayroong pantig ang sukat at katinig patinig naman ang nasa tugma. At ang teoryang pampanitikang ginamit sa Tulang "Isang dipang langit" ay Bayograpikal sapagkat ipinakita ng may akda ang kanyang naging karanasan sa loob ng bilangguan sa pamamagitan ng pagsulat o paggawa ng tula. Dito ipinahayag ng may akda kung gaano ka hirap maging isang bilanggong walang kakayahang ipaglaban ang kanyang sariling karapatan.       Sa tulang ito, ang diwa ay naglalarawan ng kalungkutan at paghihirap ng isang bilanggo sa loob ng kulungan at sa pamamagitan ng kanyang pagtitiis makakamit niya ang kalayaang mata...