Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
SANDIGAN, PRINCESS THEA G. BSCRIM - 2B "Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" ni Rolando A. Bernales 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? - Ang pamagat ng tulang ito ay nagpapakita na ang magiging karanasan ng mga bakla ay mahirap at ito ay kanilang magiging pasan habangbuhay. Alam nating walang perpektong tao sa mundo kaya hindi maitatanggi na maraming tao ang hindi sang ayon at hindi tanggap sa pagiging ganap na isang bakla ng isang tao kung kaya ito ay kanilang hinuhusgahan at tinatanggalan ng karapatang mamuhay ng malaya, sa ganitong paraan ang mga bakla ay makaramdam ng pagdurusa dahil sa bawat araw at oras na lumilipas ito ay kanilang nararanasan. 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? - Ang tinutukoy sa iba't ibang mukha ay ang mga taong hindi tanggap ang totoong ikaw, plastik, at walang ibang ginawa kundi manghusga o husgahan ang pagkatao ng isang t...